Duty sa Hospital
Isa sa hindi ko malilimutang karanasan noong estudyante pa lang ako ng Nursing, ay ang aking matandang pasyente sa ICU. Naalala ko pa ang tagal na din ng taong 2004 pero parang noong nakraang linggo lang para saakin.
Tuwing umaga ng alasais ang umpisa ng mga nurse at doktor sa ospital na yun. Nandoon na din ang endorsement ng mga kagagaling lang sa Night shift. Kung ako ang tatanungin, napakahirap ng night duty. Ito kasi ang oras na nilalabanan mo ang antok at kailangan focus ka lahat ng gagawin mo. Lalo na sa madaling araw. Ang gusto ko noon ay matulog sa gabi kaya't nagpapasalamat ako at napunta ako sa umaga.
Sa totoo lang, ayaw ko sa ICU lalo na kapag pang publikong ospital, alam na naten ang dahilan at hindi ko na iisa isahin pa. Dito ko lang nakita na may tatlong matatandang pasyente sa iisang kama, habang ang isa ay hawak hawak ang suwero ng kanyang pasyente.
Madalas dito sa ICU ang pag aabono ng mga nurse at estudyante para sa ikagagaling ng mga pasyente nila,
Isang beses natoka sa akin ang isang matandang babae. Nakakapag usap na lamang siya sa pamamagitan ng pag galaw ng kamay. "Lola, naririnig mo ba ako?" sabi ng kanyang doktor. Igagalaw niyang pilit ang kanyang kanang kamay. Si lola ay tinanggalan ng appendix, ngunit binalik sa ICU dahil sa karagdagan pa niyang sakit na ang pinagmulan ay dahil sa kanyang operasyon.
Napansin ko na mahahaba ang mga kuko ni lola kaya naman matapos ko siyang ayusin at palitan ng suwero naisipan ko siyang gupitan sa kuko. Napatingin ako sa kanyang tahi kung saan tinanggal ang kanyang appendix. Namamaga ito at may lumalabas na tubig na kulay berde. Hindi na din nawawala ang lagnat ni lola. Nang biglang tinawag ako ng aking guro upang tumanggap pa ng isa pang pasyente.
Umuuwi kami ng bandang alas singko ng hapon. Nakakalumo ang kondisyon ng ospital pero ang sabi nila, ang trabaho ay trabaho. Kung tutuusin, kapag tapos na ang trabaho, dapat iwan na ang trabaho.
Kinaumagahan, habang nag rounds ibinalita sa akin ng ilang nurse na patay na ang pasyente ko. Hindi nakayanan ni lola ang impeksyon.
Sa kasalukuyan ng mga panahon na iyon, binigyan na naman ako ng pasyente na mas bata sa edad na trenta. Isang lalaki. Kahawig din ng kcase ni lola ang aking bagong pasyente. Nabasa ko din sa kanyang chart na apat na araw na ang pasyente sa unit at malapit nang lumabas kapag wala na siyang lagnat.
Tinawag niya ako palapit. "Nurse, ubos na ang swero." Napatingin ako. Wala na nga. Naramdaman ko agad ang pagod sa buong maghapon dahil madami na naman ang bagong pasyente. "May gumagaling pala dito no?" sabi niya habang pinapalitan ko siya ng swero.
"oo naman." sagot ko na lamang sa kanya.
"Kasi yung pasyente kahapon nakatayo na eh, andon siya sa pinto oh." sabay turo niya sa pintong nasa likuran ko.
Walang tao sa pinto at base sa talaan ko, tatlong pasyente ang namatay sa nakaraang tatlong araw. Walang umuwi na buhay. Naisip ko na sa sobrang lagnat siguro ni kuya, kung ano ano ang nakikita niya. Mayang kaunti ay binalikan ko siya para bigyan ng paracetamol.
"Gusto ko sana maglakad lakad. Nababato na ako dito eh." pangungulit niya.
"Mamaya po kuya" Higit na ipinagbabawal ang pamamasyal ng pasyente lalo na kapag may balanse pa ito sa bayarin sa ospital.
Marahil ay natuwa siya sa sinasabi niyang may nakita siyang pasyente na gumaling kahapon. Sa totoo lang, natakot ako pero nangibabaw ang pagod ko.
Bago ako umalis, iginiit ni kuya na gusto niyang maglakad lakad. "Nurse papunta lang kami ng cashier." Kasama na ni kuya ang kanyang asawa. Habang papalakad siya, "Sabi ng pasyente mo kahapon, di mo daw tinapos ang pag gupit sa kuko niya, bigla ka daw umuwi." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni kuya, marahil na di ay sa pagod at dami ng gawa sa ospital.
Hanggang sa maalala ko ang pasyente ko kahapon. Oo nga!Naalala kong hindi pa ako tapos asa mga kuko ni lola. Sa kung papaanong nangyari na alam niya ang tungkol sa bagay na yun, tiyak kong si lola lang ang nakakaalam.
Thanks for reading!

Comments
Post a Comment