Bumisita si Lolo
Two days ago mula nung namatay ang Lolo ko. Isang araw makalipas yun, Linggo na, kumatok yung kapitbahay namen na guard. Sabi niya, kaninang umaga daw, may nakatayong matandang lalaki dito sa may pinto at kumakatok for about half an hour. Pagkatapos ay umalis. Tinanong ko yung guard kung natanong din niya yung matanda kung ano ang kailangan niya sa amin. Ang sagot samen nung kapitbahay, nais lang daw magpaalam nung matanda sa isang taong hindi pa niya nakikilala. Natulala kaming lahat. hindi malaman ang sasabihin. Nung medyo bumukas ang pinto, mas ikinagulat namen ang sinabing sumunod ng guard. "Siya ang nakita ko." habang nakaturo siya sa letrato ng aking yumaong Lolo,
Marahil ay gusto niyang mamaalam sa kapatid kong kapapanganak pa lamang.
Marahil ay gusto niyang mamaalam sa kapatid kong kapapanganak pa lamang.

Comments
Post a Comment